Agad nailigtas ang dalawang mangingisda matapos nagkaaberya ang kanilang fishing boat sa bayan ng Buguey Cagayan.

Ayon kay Ensign Kevin Paul doldol, public information officer ng Coastguard District North Eastern Luzon, pasado alas syete ng umaga kahapon ng makatanggap sila ng report galing sa presidente ng fisherfolks ng Buguey na mayroong tumaob na fishing boat sa vicinity water ng Minangga Este, Buguey, Cagayan.

Base sa nakuhang impormasyon habang pumapalaot umano ang magkapatid na mangingisda sakay ng bangka pasado alas singko ng umaga ay hinampas sila ng malakas na alon kaya’t tumaob ang kanilang bangka.

Aniya, hindi pa umano nakakalayo ang dalawa sa pampang nang magkaaberya ang kanilang sinasakyang bangka.

Agad naman nailigtas ang dalawang mangingisda at sa ngayon ay nasa maayos ng kalagayan.

-- ADVERTISEMENT --