
Nananatili pa ring akusado sa kasong graft si dating Department of Public Works and Highways Secretary Bonoan sa kasong graft, matapos ibasura ng Sandiganbayan Second Division ang bid ng prosekusyon na tanggalin siya sa kinakaharap na kaso.
Nauugnay si Bonoan sa umano’y pagkakansangkot nito sa 213 million pesos kickback mula sa flood control projects sa Bulacan.
Ipinagbigay alam ito ng anti-graft court sa naging pre-trial conference sa graft case na kinakaharap ng dating kalihim kasama si Senator Jinggoy Estrada.
Ang desisyong ito ay hiwalay pa sa plunder case na kinakaharap ni Bonoan, kung saan pinayagan ng Sandiganbayan Fifth Division na maalis siya bilang co-accused at maging state witness.









