Ipinroklama ng Commission on Elections si Karl Josef Legazpi bilang bagong kinatawan ng Pinoy Workers Party-list.

Papalitan niya ang kaniyang kapatid na si Franz Legazpi na nagbitiw sa puwesto noong Martes.

Ayon kay Comelec chairperson George Garcia, tinanggal sa listahan ang iba pang nominees ng partido dahil naging opisyal umano ang mga ito ng ibang party-list groups.

Sinabi rin ni Garcia na normal lamang ang pagpapalit o pagbibitiw ng mga kinatawan sa party-list system basta’t sumusunod ito sa listahan ng mga nominado ng grupo.

Bago maging kinatawan ng party-list, nagsilbi si Karl Legazpi bilang commissioner-at-large ng National Youth Commission noong 2024.

-- ADVERTISEMENT --