Ilulunsad ng Commission on Elections o Comelec sa Setyembre 7 ang precinct finder para matulungan ang mga botante sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM na malaman ang kanilang voting precinct.

Maaaring hanapin ng mga botante ang kanilang precinct gamit ang buong pangalan, petsa ng kapanganakan at lugar ng pagpaparehistro.

Isasagawa ang unang parliamentary elections sa BARMM sa Setyembre 14, kung saan nasa 2.393 milyon ang rehistradong botante.

Umaasa naman ang Comelec sa 65 hanggang 70% voter turnout.