TUGUEGARAO CITY-Isusulong umano ni incoming senator at dating PNP Chief Ronald Dela Rosa ang death penalty para sa mga drug lords at drug traffickers sa kanyang pag-upo sa senado.

Sinabi ni Dela Rosa na isa kasi sa kanyang nalaman sa National Bilibid Prison nang umupo siya bilang director general ng Bureau of Corrections na malayang nakakagalaw ang mga drug traffickers dahil walang death penalty.

tinig ni Dela Rosa

Kasabay nito,sinabi ni Dela Rosa na mag-aaral siya tungkol sa paggawa ng mga batas upang makasabay siya sa mga kapwa niya senador.