Nadagdagan ng apat ang bilang ng mga nasawi sa paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3 matapos makarekober ng mga bangkay ang Philippine Coast Guard (PCG) sa isinagawang underwater operations nitong Martes.

Dahil dito, umabot na sa 62 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa trahedya, habang 17 katao pa ang nawawala.

Matatandaang bumiyahe ang M/V Trisha Kerstin 3 mula sa Port of Zamboanga patungong Jolo noong gabi ng Enero 25 ngunit lumubog sa karagatan ng Basilan kinaumagahan ng Enero 26.

Nauna nang sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na posibleng overloading ang isa sa mga sanhi ng trahedya, batay sa bilang ng mga nasawi, nailigtas, at nawawala kumpara sa awtorisadong passenger capacity ng barko.