Malugod na tinanggap ng defense team ni Vice President Sara Duterte ang mga opinyon ng mga amici curiae o “friends of the court” kaugnay ng isyu sa voting threshold sa impeachment trial.

Ayon kay defense counsel Atty. Michael Poa, iginagalang nila ang mga pananaw ng mga inimbitahang dating mahistrado ng Korte Suprema.

Sinabi ni Poa na nakatulong ang mga naging sagot ng amici curiae para magkaroon sila ng mas malalim na pananaw sa mga usaping konstitusyonal at sa kasalukuyang sitwasyon ng impeachment proceedings.

Kabilang sa inimbitahan sina dating Chief Justices Artemio Panganiban, Reynato Puno at Hilario Davide Jr., gayundin si dating Associate Justice Adolfo Azcuna.