
Pag-aaralan muna ng kampo ni Vice President Sara Duterte kung kinakailangang i-cross examine si Atty. Zuleika Lopez sa nagpapatuloy na impeachment trial.
Ayon kay defense spokesperson Atty. Michael Poa, nakadepende ang kanilang magiging desisyon sa mga ebidensiya at testimonya na ihaharap ng House prosecution, lalo na kung may mga puntong kailangang linawin o tutulan.
Sinabi rin ni Poa na maaari silang hindi magsagawa ng cross-examination kung sa kanilang pananaw ay walang mahahalagang isyung napatunayan ng prosekusyon sa testimonya ng testigo.
Nilinaw din ng defense panel na si Lopez ay itinuturing pa ring regular witness at hindi hostile witness.
Inaasahang haharap ngayong linggo sa impeachment court si Lopez, na kasalukuyang chief of staff ni Vice President Duterte, bilang isa sa mga testigong ipiprisenta ng House prosecution.










