Itutuloy ng Department of Education (DepEd) sa Setyembre 3 ang National Simultaneous School Safety Drill na layong ihanda ang mga paaralan sa posibleng active threat o pag-atake sa loob ng school premises.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, dapat sabay na bigyang-prayoridad ang pisikal na seguridad at mental health ng mga mag-aaral.

Isasagawa ang drill ayon sa edad ng mga bata at may pagsasaalang-alang sa trauma at mental health.

Hindi gagamit ng aktuwal o makatotohanang simulation tulad ng armas, simulated gunfire, pyrotechnics, graphic imagery at artificial casualties.

Sa halip, isasagawa ang mga hakbang gaya ng pagsasara at pag-secure ng entry points, tahimik na pagtatago sa ligtas na lugar at evacuation procedures.

-- ADVERTISEMENT --