TUGUEGARAO CITY-Pabor umano kay Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ng Supreme Court na ilabas ang mga report sa oplan tokhang sa kanyang kaso na crimes against humanity sa International Criminal Court o ICC
Sinabi ni Atty. Egon Cayosa, incoming president ng Integrated Bar of the Philippines o IBP na kung makikita ng ICC na inaaksionan ng mga otoridad ang mga reklamo ng umano’y extra judicial killings sa bansa dahil sa war on drugs ay maaaring hihina ang kaso ng pangulo
Ipinaliwanag niya na ang isang requirement para umusad ang kaso ay makikita ng ICC na gumagana ang justice system sa bansa kaugnay sa nasa 5,000 na napatay sa oplan tokhang
Matatandaan na sa pahayag ng PNP,ang mga napatay na drug suspects ay dahil sa nanlaban ang mga ito sa mga isinagawang operasyon