Atty. Egon Cayosa

TUGUEGARAO CITY-Inihayag ng Integrated Bar of the Philipines o IBP na sana ay magsilbing leksion sa mga pulis ang desisyon ng Supreme Court na ilabas ang mga report sa war on drugs ng Duterte administration.

Sinabi ni Atty.Egon Cayosa,incoming president ng IBP na ito ay nangangahulugan na hindi makakatakas sa kamay ng batas ang mga pulis na nagsagawa ng pang-aabuso sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa illegal drugs.

Ayon sa kanya, sa pamamagitan din nito ay mabibigyang linaw ang mga sinasabing nanlaban umano na mga drug suspects kaya sila napatay.

ang tinig ni Cayosa

Sinabi pa ni Cayosa na walang magagawa si Duterte at ang PNP kundi ang sumunod sa nasabing desisyon ng SC.