Inihayag ng Department of Transportation na posibleng ilalabas ng ahensiya ang desisyon sa mga petisyon na humihiling ng dagdag sa pasahe sa susunod na linggo, bunsod ng patuloy na pagtaas sa presyo ng langis dahil sa kaguluhan sa Middle East.

Sinabi ni Transportation Secretary Giovanni Lopez na inatasan niya ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTRFB) na pag-aralan ang mga panukala at ikonsidera ang lahat ng sektor.

Sinabi ni Lopez na ang mga inihaing petisyon sa LTFRB ay saklaw ang mga bus, jeepneys, at airport taxis.

Kasabay nito, tiniyak ni Lopez na magsisimula sa susunod na linggo ang pamamahagi ng fuel subsidy na magsisimula sa mga tricycle drivers, na susundan naman ng jeepney drivers.

Ayon sa kanya, ang Department of Social Welfare and Development ang magsasagawa ng pamamahadi ng fuel subsidy na may inilaan na P30 billion.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, asahan ang isa pang big-time increase sa presyo ng langis sa susunod na linggo, kung saan inaasahan ang dagdag na P16 per liter sa diesel, habang ang gasolina at kerosene ay posibleng may dagdag na P3.50 per liter.