Inihayag ni Energy Secretary Sharon Garin na maitatala sa bansa ang “most expensive” na presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw na ito, sa gitna ng Iran war na patuloy na nakakagambala sa fuel exports.

Muling tumaas ang presyo ng diesel sa P20.40 hanggang P23.90 per liter, mula sa P17.50 hanggang P24.25 noong nakalipas na Martes, March 10.

Dahil dito, sinabi ni Garin na aabot sa P94 hanggang P115 per liter ang diesel ngayong araw.

Umakyat naman sa P12.90 hanggang P16.60 per liter ang gasolina, mula sa P7 hanggang P13.

Nadagdagan naman ng P12.90 hanggang P15.60 per liter.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Garin na ang pagtaas sa presyo ng langisw ay kasunod ng pinakamataas na single-week na paggalaw ng presyo na hanggang P38.50 per liter sa kerosene.

Sa ngayon aniya ay may anim na oil companies ang nagsabi na staggered ang pagpapatupad nila ng panibagong malaking dagdag sa presyo ng langis.