
Iniimbestigahan ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang umano’y pagkaantala sa pagtugon ng 911 sa isang medical emergency matapos mag-viral ang isang social media post.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente kung saan umano’y halos 10 minuto naghintay ang isang pamilya bago masagot ang kanilang tawag sa 911 habang nangangailangan ng agarang tulong ang isang lalaking inaatake sa puso.
Ayon sa nag-post, nang dumating ang ambulance ay wala umano itong automated external defibrillator o AED at iba pang mahahalagang kagamitan. Dahil dito, napilitan umanong magsagawa ng CPR ang pamilya habang hinihintay ang medical assistance.
Kalaunan ay namatay ang pasyente. Patuloy naman ang imbestigasyon ng DILG sa umano’y delay sa 911 response at kakulangan ng kagamitan sa ambulance.










