Sisiguraduhin ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. na tuluyang malinis ang hanay ng Pambansang Pulisya at matanggal ang lahat ng mga police scalawag na sumisira sa imahe ng kanilang organisasyon.

Ito ay kasabay ng isinagawang pagprisenta sa dalawang dating pulis na sinasabing sangkot sa pagpatay sa beauty pageant contestant na si Geneva Lopez at kasintahan nito na si Yitshak Cohen.

Ayon kay Abalos, matagal nang tinanggal sa serbisyo ang dalawang pulis na sina Michael Angelo Barrento at Rommel Medina Abuzo ngunit kailangan parin na matanggal ang lahat ng anay sa PNP.

Kumpyansa naman si Abalos na maisasakatuparan nito ang kanilang mga plano para na rin sa ikabubuti ng hanay ng PNP.