Nakikipag-ugnayan ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga awtoridad sa Hong Kong para tumulong sa paghahanap sa dalawang nawawalang Overseas Filipino Workers.

Ayon sa DMW, naag-uusap na sila ng Philippine Consulate General, Hong Kong Police Force, at sa Hong Kong Immigration Department sa isinasagawang imbestigasyon at ang patuloy na paghahanap kina Imee Mahilum Pabuaya, 23-anyos, at Aleli Perez Tibay, 33-anyos.

Ibinahagi pa ng ahensiya na nakaantabay sila para sa posibleng legal, medical, emergency o financial support para sa pamilya ng dalawang nawawalang Pinay.

Nanawagan din ang DMW sa publiko para sa mga impormasyon na makakapagbigay ng kinaroroonan ng dalawa.

Batay sa naunang mga impormasyon, huling nakita sina Pabuaya at Tibay sa Tsuen Wan District noong October 4.

-- ADVERTISEMENT --