Bimili ang pamahalaan, sa pamamagitan ng Department of National Defense (DND) ng 12 na FA-50 Block 70 light combat aircraft mula sa Korea Aerospace Industries Ltd. (KAI) ng Republic of Korea.

Sinabi ng DND na ang pagbili ng fighter jets ay bahagi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) modernization program para sa Philippine Air Force (PAF).

Ayon sa DND, inilabas ang Notice to Proceed nitong unang bahagi ng buwan, na nagbigay-daan para sa purchace contract na nagkakahalaga ng mahigit $700 million.

Sinabi ng Defense Department na ang comprehensive package ay kinabibilangan ng mission equipment, integrated logistics support, at training and logistics information system.

Ayon pa sa DND, ang FA-50 Block 70 ay kumakatawan sa latest evolution ng FA-50 platform, tampok ang advanced avionics,
modern radar systems, at extended operational range.

-- ADVERTISEMENT --

Ang pagbili ng mga nasabing aircraft ay patunay sa mahalagang pagpapaunlad sa air defense capabilities ng bansa at ito ay naaayon sa Comprehensive Archipelagic Defense Concept ng DND.

Unti-unting ipapadala ang aircraft sa susunod na limang taon, at ang target na makumpleto ang delivery ay sa 2030.