Tuguegarao City- Nananatiling stable ang kalagayan ng isa pang natitirang COVID-19 confirmed patient sa tanggapan ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC).

Sa panayam kay Dr. Glenn Mathew Baggao, Medical Chief ng nasabing pagamutan, patuloy pa ring hinihintay ang resulta ng huling swab test ni PH3668.

Ayon kay Baggao ay anumang oras mula ngayon ay maaari nang dumating ang resulta ng kanyang pagsusuri.

Mula sa 18 na kumpirmadong pasyente ng COVID-19 ay tanging si PH3668 nalamang ang natitira.

Tiwala ang opisyal na sa magandang kondisyon ng pasyente ay magnenegatibo na rin ito sa naturang sakit.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay nananatiling limang suspects nalamang ang minomonitor at binabantayan ng CVMC.

Malaki naman ang pasasalamat ng opisyal na sa nakalipas na 9 na araw ay hindi na nadagdagan pa ang bilang ng mga nagpositibo sa sakit na nasa pangangalaga ng CVMC.

Patuloy pa rin ang paalala nito sa publiko kaugnay sa pagsunod sa mga ipinatutupad na mga alituntunin upang makaiwas sa banta ng nasabing sakit.