Binawian na nang buhay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang driver ng kuliglig na sinalpok ng isang fortuner na naging sanhi ng pagtagilid ng isang pampasaherong bus sa Sta. Maria, Isabela.

Kinilala ang nasawi na si Bilyo Danga ng Naruangan, Tuao na nagtamo ng maraming sugat sa kanyang katawan matapos tumilapon sa lansangan maging ang isa pang sakay nito.

Samantala, halos nakalabas na rin sa pagamutan ang karamihan sa mga nasugatang pasahero ng Florida Bus.

Linggo ng gabi ng sumalpok sa sinusundang kuliglig ang isang fortuner na tumama naman sa pampasaherong bus na nagresulta sa pagtagilid nito.

|Driver ng SUV na bumangga sa kuliglig at bus na ikinasugat ng 30 tao, kakasuhan
| Florida bus galing Sta. Ana, Cagayan, naaksidente sa Sta. Maria, Isabela