
Ipinatatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang driver ng isang Toyota Hilux na nasangkot sa viral video kung saan makikitang patigil-patigil ang kanyang pagmamaneho sa kalagitnaan ng highway.
Sa naturang video, makikita ang iresponsable at mapanganib na pagmaniobra ng sasakyan sa harap ng isang bus habang umuulan at madulas ang kalsada.
Dahil dito, naglabas na ng subpoena ang LTO upang hingin ang lahat ng dokumento kaugnay sa may-ari ng sasakyan at ipinatatawag ang driver para sa imbestigasyon.
Nagbabala rin si Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Lopez na bibigyan ng kaukulang parusa ang naturang driver, kasabay ng paalala sa publiko na laging maging disiplinado, alerto, at maingat sa kalsada para sa kaligtasan ng lahat.










