Negatibo ang resulta ng isinagawang antigen at RT-PCR test sa mga kawani ng Department of Agriculture Region 2 na naging close contact ng isang nagpositibo sa COVID-19 na empleyado ng kagawaran.
Ito ay base sa naging kumpirmasyon ng Department Of Health ayon kay DA Region II Regional Executive Director Narciso Edillo.
Ayon kay Edillo, sampung kawani ang primary contact ng nagpositibo ang isinailalim sa RT-PCR test habang labing-pito naman ang 2nd contact na isinailalim sa antigen test na pawang negatibo ang resulta.
Samantala, sinabi ni Edillo na nabakunahan na kontra COVID-19 sa kanilang mga munisipiyo ang mga priority group na empleyado ng ahensiya tulad ng mga senior citizen.
Tiniyak naman nito na magtutuloy-tuloy ang kagawaran sa pagbibigay serbisyo sa buong lambak ng Cagayan.