Dalawang tama ng bala sa ulo ang ikinamatay ng isang dating Barangay kapitan sa pamamaril ng riding-in-tandem, kaninang umaga sa bayan ng Sta. Ana.

Kinilala ang biktima na si Dionilo Romero Poblete, 57-anyos residente sa Barangay Patunungan.

Ayon kay PMAJ Stanley Banan, hepe ng PNP-Sta. Ana, sakay sa motorsiklo at pauwi na sana sa kanilang bahay ang biktima, kasama ang isang angkas nitong si Lodrigo Bumanglag sa Barangay Palawig nang sumulpot ang dalawang armadong lalaki na naka-motorsiklo din at pinagbabaril ang biktima.

Kaagad namatay ang biktima at narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng caliber .45 pistol at perang nagkakahalaga ng P272,500.

Blangko pa ang pulisya sa motibo ng pamamaslang.

-- ADVERTISEMENT --
Bahagi ng pahayag ni PMAJ Stanley Banan, hepe ng PNP Sta Ana