
Mula sa paghanga sa mabituing kalangitan noong bata pa siya sa isang rural na komunidad sa Pilipinas, natupad ni Pauli Basubas ang kanyang pangarap na maging isang Filipina space biologist.
Ayon kay Basubas, nagsimula ang kanyang interes sa kalawakan sa panonood nila ng kanyang lolo ng mga dokumentaryo ng NASA at sa mga gabing pinagmamasdan niya ang mga bituin.
Sa kasalukuyan, mahigit 11 taon na siyang nagsasagawa ng biomedical research, partikular sa drug discovery para sa cancer at viral diseases, at kabilang na rin ang kanyang trabaho sa larangan ng commercial spaceflight.










