
Nakuha ng Filipinas ang unang panalo nito sa 2026 Asian Games matapos talunin ang Hong Kong, 2-0, sa Japan.
Nagbukas ng scoring si Skye Leach sa ika-12 minuto bago dinagdagan ni Mallie Ramirez ang kalamangan sa ika-63 minuto.
Dahil sa panalo, mayroon nang apat na puntos ang Filipinas mula sa isang panalo at isang draw. Kailangan ng Pilipinas na makapasok sa top two ng grupo o maging isa sa dalawang best third-place teams para umabante sa quarterfinals.
Sunod na haharapin ng Filipinas ang China sa Setyembre 21.









