Bumisita si First Lady Liza Araneta-Marcos sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ngayong Lunes upang talakayin ang mga prayoridad na proyektong pangkaunlaran ng lalawigan na nakahanay sa programang Bagong Pilipinas ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa isinagawang briefing, inilahad ni Governor Edgar Aglipay ang mga pangunahing proyekto ng lalawigan kabilang ang pagtatayo ng rice at corn processing facilities, mga dam at irrigation projects, gayundin ang farm-to-market roads upang higit na mapaunlad ang sektor ng agrikultura at kabuhayan ng mga Cagayano.

Pinuri naman ng First Lady ang patuloy na pagpapatupad ng pamahalaang panlalawigan ng mga programang nakatuon sa kapakanan ng mamamayan at ang matibay na pakikipagtulungan nito sa pambansang pamahalaan.

Samantala, mainit na sinalubong si First Lady Araneta-Marcos nina Governor Edgar “Tatay Egay” Aglipay, Vice Governor Manuel Mamba, mga lokal na opisyal at mga kawani ng Provincial Government of Cagayan.

Matapos ang briefing, dumalo rin siya sa Coro de San Jacinto Stage Concert na ginanap sa Claude Andrews Convention Center sa CSU-Andrews Campus.

-- ADVERTISEMENT --