Nanawagan si Toby Tiangco ng mas mahigpit na pagbabantay sa tinatawag na “for later release” o FLR na pondo ng pamahalaan.

Ayon sa mambabatas, may posibilidad umano na magamit ang naturang pondo kaugnay ng mga impeachment complaint laban kay Sara Duterte.

Ang FLR ay bahagi ng General Appropriations Act na hindi agad inilalabas at kinakailangan pa ng pag-apruba ng Pangulo bago maipamahagi.

Ipinunto ni Tiangco na maaaring magkaroon ng implikasyon sa pag-release ng pondo depende sa magiging posisyon ng mga mambabatas sa impeachment proceedings.

Gayunman, nilinaw ng kongresista na wala siyang direktang ebidensya na ginagamit o gagamitin ang FLR para impluwensiyahan ang naturang proseso.

-- ADVERTISEMENT --