TUGUEGARAO CITY-Kinumpirma ni Director Dante Gierran ng National Bureau of Investigation(NBI), na nasa loob pa ng bansa ang founder ng Kapa-Community Ministry International na si Pastor Joel Apolinario.

Sa naging panayam kay Gierran, puspusan na umano ang pagtugis ng kanilang grupo para sa agarang pagkakahuli kay Apolinario.

Ayon kay Gierran, malapit na umano nilang maaresto si Apolinario matapos mamonitor ang kinaroroonan nito.

Aniya, mahihirapan narin umanong makalabas ng bansa si Apolinario dahil nakaalerto na ang kanilang hanay maging ang kapulisan dahil sa pagkakasangkot nito investment scam.

Matatandaan, una naring ipinag-utos ni pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto kay Apolinario.

-- ADVERTISEMENT --

Si Gierran ay nasa lungsod ng Tabuk, Kalinga bilang pangunahing pandangal sa founding anniversary ng nasabing lungsod.