Tuluyan nang nagtapos ang kampanya ng Gilas Pilipinas Women sa FIBA Women’s Basketball World Cup Pre-Qualifying Tournament matapos yumukod sa Senegal, 62-87, sa Kigali, Rwanda.
Ito ang ikatlong sunod na kamalasan ng mga Pinay cagers sa torneo.
Nauna nang natalo ang Gilas Women sa World No. 8 Brazil, 74-77, bago minalas sa Hungary, 60-97.
Ito ang unang pagsabak ng bansa sa Women’s World Cup pre-qualifiers sa labas ng nilalaruang FIBA Asia zone.
Kumamada si veteran center Jack Animam ng 15 points, six6 rebounds at 2 steals laban sa Senegal, habang nagdagdag si Naomi Panganiban ng 14 markers.
-- ADVERTISEMENT --
Winalis naman ng Senegal ang tatlong laro sa group stage papasok sa semis.