
Itutulak ni Senator Robinhood Padilla ang Sara-Imee tandem sa 2028 national elections.
Sa panayam kay Padilla, sinabi ng senador na kung may gusto siyang maging bise presidente ni Vice President Sara Duterte sa 2028, ito ay si Senator Imee Marcos.
Iginiit ni Padilla na panahon na para maramdaman ng mga Pilipino ang “girl power” kung saan parehas babae ang pinakamataas na lider ng bansa.
Handa ang mambabatas na itulak ang Sara-Imee sa 2028 at katunayan sa tuwing umiikot siya sa ibang bansa, ikinakampanya niya ang dalawa sa mga Pilipino doon.
Samantala, nang matanong naman si Sen. Imee tungkol sa isinusulong ni Padilla na Sara-Imee sa 2028, sinabi ng senadora na forever naman siyang running-mate ni VP Sara at kailanman ay hindi niya ito iniwan.
Bagamat walang kumpirmasyon mula kay Sen. Marcos ang tambalan nila ni VP Sara, binigyang-diin niya basta sunud-sunuran siya.






