
Pinarangalan ng Member of the Most Excellent Order of the British Empire o MBE ang Filipino educator na si Edison David bilang pagkilala sa kanyang malaking ambag sa pagpapabuti ng edukasyon at performance ng mga mag-aaral sa United Kingdom.
Tinanggap ni David ang parangal sa isang investiture ceremony sa Windsor Castle kung saan ipinagkaloob ang award sa ngalan ni Charles III kasama ang mga miyembro ng British Royal Family.
Kinilala si David dahil sa kanyang trabaho sa school leadership at pagtulong sa mga paaralang may mababang performance, kabilang na ang pagsuporta sa mga disadvantaged learners.
Tubong Tarlac City si David at nagsimula bilang guro sa pampublikong paaralan sa Pilipinas bago lumipat sa UK, kung saan kinailangan niyang mag-adjust sa ibang education system at unti-unting umangat sa kanyang propesyon.










