Umabot na sa mahigit 4.9 milyong family food packs ang naipuwesto sa iba’t ibang bahagi ng bansa bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Tropical Depression Luis.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nakapuwesto ang mga relief supplies sa mahigit 1,000 bodega sa buong bansa upang matiyak ang mabilis na paghahatid ng tulong sa mga maaapektuhan ng bagyo at iba pang matitinding kalamidad.

Nakapagpaabot na rin ang ahensya ng ready-to-eat food boxes sa mga na-stranded na pasahero sa Bicol Region at family food packs sa mga evacuee sa Zamboanga.

Patuloy rin ang araw-araw na produksyon ng relief packs sa mga disaster resource center sa Luzon at Visayas upang mapanatili ang sapat na suplay para sa mga nangangailangan.