Umakyat na sa 13 ang kumpirmadong kaso ng hantavirus na may kaugnayan sa outbreak sa isang cruise ship, ayon sa World Health Organization (WHO) nitong Miyerkules.

Batay sa ulat ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, isang bagong kaso ang naitala sa Spain sa mga pasaherong nasa quarantine, habang nananatili sa 13 ang kabuuang bilang ng kaso.

Aabot sa tatlong pasahero ang nasawi mula sa outbreak, ngunit wala nang naitalang bagong pagkamatay mula Mayo 2.

Ayon sa WHO, stable na ang sitwasyon at patuloy na ginagamot ang mga nagkasakit habang naka-quarantine ang iba pang apektadong pasahero.

Ang outbreak ay kaugnay ng MV Hondius cruise ship, kung saan nakaranas ng impeksiyon ang ilang pasahero, crew, at medical staff bago tuluyang nakababa ang mga ito mula sa barko.

-- ADVERTISEMENT --

Ang hantavirus ay isang sakit na nakukuha mula sa mga daga at maaaring magdulot ng malubhang karamdaman sa tao.