Idineklara ng World Health Organization (WHO) na tapos na ang hantavirus outbreak na may kaugnayan sa cruise ship na MV Hondius, matapos makumpleto ng huling natukoy na close contact ang quarantine at magnegatibo sa pagsusuri para sa virus.

Umabot sa 13 katao ang nahawahan habang tatlo ang nasawi sa naturang outbreak na dulot ng Andes virus, isang bihirang uri ng hantavirus na karaniwang matatagpuan sa Argentina at Chile.

Matatandaang bumiyahe ang MV Hondius mula Argentina noong Abril 1.

Matapos mailikas ang mga pasahero, nanatili sa barko ang ilang tripulante, kabilang ang mga Pilipino, upang dalhin ito sa Netherlands para sa disinfection.