Inaprubahan ni Speaker Martin Romualdez ang kahilingan ni Davao City Rep. Paolo Duterte na palawigin ang kaniyang travel clearance para makapag biyahe sa ibang bansa.
Sa dokumento na nilagdaan ni House Secretary General Reginald Velasco nakasaad dito na bibiyahe ang mambabatas sa 16 na mga bansa.
Ito ay bukod pa sa naunang travel request nito na magtungo siya sa The Netherlands at Japan.
Batay sa inilabas na travel clearance ng House of Representatives, bibiyahe si Rep. Duterte sa Hongkong, China, Malaysia,Republic of Korea, Japan, Vietnam, Cambodia, United States, Australia, United Kingdom,Northern Ireland, Germany, France, Belgium, Italy at Singapore.
Kung maalala nagpaalam ang Kongresista na bumiyahe patungong The Netherlands kung saan nanduon ngayon at nakakulong sa ICC sa The hague ang kaniyang ama si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nahaharap sa kasong crime against humanity.