
Humingi ng permiso ni Senator “Bato” dela Rosa kay Senate President Vicente Sotto na payagan ang kanyang pamilya na gamitin ang Senate mansion sa Baguio City.
Sa isang sulat na may petsang March 12 kay Sotto, hiniling ni Dela Rosa na gamitin ang Senate mansion mula March 26 hanggang 29 para sa kanyang pamilya sa panahon ng Chief of Staff, Armed Forces of the Philippines (CSAFP) Cup 2026.
Hindi naman binanggit sa sulat kung sasamahan ni Dela Rosa ang kanyang pamilya.
Kinumpirma naman ni Senate Secretary Mark Llandro Mendoza na hindi pinagbigyan ang kahilingan ni Dela Rosa dahil may ginagawang repair sa Senate mansion.
Hindi na pumapasok sa senado si Dela Rosa buhat noong buwan ng Nobyembre ng 2025 matapos na maiulat na may inilabas na ang International Criminal Court na warrant of arrest laban sa kanya sa kasong crimes against humanity kaugnay sa madugong war on drugs ng Duterte administration.










