Tinitingnan na ngayon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na posibleng homicide o hazing ang nangyaring insidente na ikinasawi ng 2 Ateneo basketball players.
Ayon kay CIDG Director Police Major General Robert Morico II, nakadepende sa nagpapatuloy na interview nila sa mga players ang magiging posibleng kasong kakaharapin ng responsable sa nasabing insidente.
Ayon kay Morico, ang Anti-Hazing Act ay hindi lamang sa mga fraternities, mga akademya, organisasyon at mga police trainings kundi kasama na rito ang requirement sa nagpapatuloy na membership .
Kabilang sa posibleng nilabag kaugnay ng insidente ay ang force calisthenics, ang exposure sa weather at ang pwersahang pagsasagawa ng physical activity.










