Napatunayan ng federal jury na guilty si Hunter Biden sa taltong federal felony gun charges.

Nakita ng korte na nilabag nito ang batas na hindi dapat magkaroon ng armas ang mga drug addicts.

Ito ang unang pagkakataon na ang immediate family member ng isang pangulo ng US ang napatunayang guilty sa isang krimen.

Matapos na mabasahan ng hatol ay niyakap ni Hunter Biden ang kaniyang mga kaanak.

Matapos ang pagbasa ng hatol ay itinakda ang pag-sentensiya matapos ang 120 araw.

-- ADVERTISEMENT --