
Nakauwi na sa Pilipinas ang ikalimang batch ng mga repatriated Filipinos mula Israel habang nagpapatuloy ang tensyon sa Middle East, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Sa pahayag nitong Sabado, sinabi ng DMW na 25 Pilipino, kabilang ang 24 Overseas Filipino Workers (OFWs) at isang bata, ang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 bandang 9 p.m. sa pamamagitan ng Oman Air.
Ito ang ika-apat na batch na tumawid sa Taba border sa Egypt at ikalimang grupo na na-repatriate mula Israel.
Ayon sa DMW, patuloy ang operasyon ng pamahalaan upang ligtas na maibalik ang mga Pilipinong apektado ng krisis sa rehiyon.










