Posibleng makapagsumite ang prosekusyon ng hanggang dalawang testigo kada araw sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kung palalawigin ang oras ng pagdinig ng impeachment court, ayon kay Batangas Rep. Gerville Luistro.

Sinabi ni Luistro, lead public prosecutor, na isinumite nila sa Senado ang tanong kung gaano kahaba ang itatakdang oras para sa bawat araw ng paglilitis, dahil makaaapekto ito sa bilis ng presentasyon ng ebidensya at mga testigo.

Ayon sa kasalukuyang plano ng impeachment court, gaganapin ang paglilitis tuwing Lunes hanggang Miyerkules ng alas-2 ng hapon simula Hulyo 6.

Paliwanag ni Luistro, kung mas mahaba ang oras ng sesyon, maaaring makapagpresenta ang prosekusyon ng dalawang testigo kada araw, na magpapabilis sa proseso ng impeachment trial.

Ngunit kung mas maikli ang oras ng pagdinig, isa lamang ang maaaring maiharap na witness kada araw.

-- ADVERTISEMENT --

Idinagdag niya na mahalaga para sa prosekusyon ang iskedyul ng korte upang matantiya ang kabuuang tagal ng paglilitis.