
Inihayag ni House prosecutor Terry Ridon na posibleng tapusin ang mga pagdinig sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa loob ng dalawang buwan.
Ayon kay Ridon, kasama na rito ang lahat ng Articles of Impeachment pati na ang presentasyon ng defense team.
Kung masusunod ang timetable, maaaring sa Agosto ay tapos na ang paglilitis.
Sa panahong ito ay inaasahan din ang pagsisimula ng pagtalakay sa pambansang budget sa Kamara.
Una rito, kinumpirma ni Senador Erwin Tulfo na base sa caucus ay July 6 ang target na pagsisimula ng trial proper.
Iginiit naman ni House lead prosecutor Gerville Luistro na kahit dumalo si VP Sara o ang kanyang legal team, mangangahulugan pa rin ito ng plea para sa “not guilty” at magpapatuloy pa rin ang impeachment trial.









