
Magiging buong araw na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte simula Oktubre 1 at 2, ayon sa panukalang bagong iskedyul ng Senate Impeachment Court.
Ayon kay Senate Impeachment Court Presiding Officer Chiz Escudero, isasagawa ang paglilitis mula alas-10 ng umaga hanggang early evening.
Kasama rin sa full-day hearings ang Oktubre 5 hanggang 9 at Oktubre 12 hanggang 15.
Matapos nito, pansamantalang sususpendihin ang impeachment trial upang bigyang-daan ang mga pagdinig ng Senate Committee on Finance para sa 2027 national budget.
Itutuloy naman ang paglilitis sa Nobyembre 9 at 16, habang nakatakda ang regular na impeachment proceedings sa Nobyembre 23.
Pormal na isasapinal ng Senate Impeachment Court ang bagong iskedyul sa susunod na linggo.









