
Inirekomenda ni Senate Impeachment Court Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero na ilipat sa umaga ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kapag nagsimula na ang Second Regular Session ng 20th Congress sa Hulyo 27, kasunod ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo.
Sa kanyang podcast na Chiz Wiz, sinabi ni Escudero na maaaring isagawa ang paglilitis mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon, tuwing Lunes hanggang Miyerkules.
Susundan naman ito ng regular na sesyon ng Senado pagsapit ng alas-3:00 ng hapon.
Ayon kay Escudero, layunin ng bagong iskedyul na mabigyan ng oras ang Senado para sa mga committee hearing tuwing Huwebes, partikular sa pagtalakay sa panukalang 2027 national budget.
Posible rin aniyang suspendihin ang regular na sesyon kung wala namang mahahalagang agenda upang maipagpatuloy ang iba pang pagdinig.









