TUGUEGAREAO CITY- Nakaalerto rin ang International Airport sa Lallo, Cagayan laban sa novel coronavirus.

Sinabi ni Renz Umayam ng Office of Presidential adviser for Northern Luzon , mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng mga quarantine officers sa airport.

Ito ay para matiyak na agad na ma-isolate ang sinuman na makitaan ng senyales ng nasabing karamdaman.

Madalas na mga Chinese nationals ang gumagamit sa nasabing paliparan na nagtutungo sa mga Casinos sa bayan ng Santa Ana at tourist destinations sa Cagayan.