Inakusahan ni US President Donald Trump ang Iran ng paglabag sa ceasefire matapos umano itong magpaputok sa mga barko malapit sa Strait of Hormuz.

Nagbabala si Trump na maaaring targetin ng Estados Unidos ang mga power plant at tulay sa Iran kung hindi nito tatanggapin ang mga kondisyon ng Washington.

Nananatiling hindi makadaan ang mga barko sa Strait of Hormuz dalawang araw matapos ipahayag na bubuksan ito. Ayon kay Trump, darating ang kanyang mga kinatawan sa Pakistan upang ipagpatuloy ang negosasyon.

Nauna nang bumaba ang presyo ng langis at tumaas ang stock markets nang ipahayag ng Iran ang muling pagbubukas ng strait, ngunit muli itong isinara matapos igiit ng US ang pagpapatuloy ng blockade sa Iranian shipping.

May ulat din na hindi bababa sa dalawang barko ang pinaputukan habang papalapit sa nasabing rutang pandagat.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang tensyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos kasunod ng digmaan na nagsimula noong Pebrero 28.