
May nakuha na isang bangkay sa nangyaring trashlide sa isang landfill sa Rodriguez, Rizal, ayon kay Mayor Ronnie Evangelista.
Ang biktima, isa tatlong indibidual na nawawala, ay narekober sa isinagawang operasyon at nakuha na rin ng pamilya ang bangkay.
Sinabi ni Evangelista na nahihirapan ang mga nagsasagawang operasyon sahil sa malaking volume ng basura.
Idinagdag pa niya na batay sa initial findings, nangyari ang trash lide habang ginagawa ang compaction activities sa isang bahagi ng landfill.
Maraming bulldozers ang nag-ooperate sa lugar at ang magkasamang bigat ng mga basura at heavy equipment ang nagbunsod ng pagguho ng landfill.
Sinabi ni Evangelista na ang insidente ay hindi dahil sa malalakas na ulan sa halip ay isang aksidente.
Ayon sa kanya, pinangungunahan ng Department of Environment and Natural Resources ang imbestigasyon para malaman kung may pagkukulang sa bahagi ng operators ng landfill.
Samantala, ang apektadong Phase 5 ng landfill lamang ang isinara, habang ang ibang bahagi ng pasilidad ay patuloy ang operasyon para sa tuloy-tuloy na pangongolekta ng mga basura sa mga komunidad.










