Dead on arrival ang isang lalaki matapos na maaksidente sa kanyang sinasakyang kulong kulong sa Brgy.Bitag Grande, Baggao, Cagayan.

Kinilala ni PLT.COL. Osmundo Mamanao, cop ng Pnp Baggao ang biktima na si Leo Tabillo, 27 anyos, at residente ng Sitio Tueg, Bitag Grande.

Una rito ay nakatanggap ng tawag ang kapulisan mula sa isang concern citizen kaugnay sa nangyaring insidente.

Lumalabas sa imbestigasyon na papunta sana sa Brgy.Poblacion ang biktima ngunit habang binabagtas nito ang daanan ay nawalan ito ng kontrol sa manibela ng kanyang minamanehong kulong kulong.

Dahil dito ay tumagilid pa sa nasabing daanan ang kulong kulong bago nito nabangga ang isang malaking poste at dahil sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ang biktima ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

-- ADVERTISEMENT --

Agad dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng umasikasong doctor.

Napag alaman na nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin ang biktima nang mangyari ang insidente.