Huli ang isang lalaki sa bayan ng Baggao, Cagayan na sangkot sa iligal na droga at pag-iingat ng iligal na baril at mga bala.

Ito ay matapos na isilbi ng mga pulis ang search warrant laban sa isang alyas Jong, 42-anyos, may asawa, residente ng nasabing bayan.

Umabot ng halos tatlong oras ang isinagawang operasyon ng mga awtoridad kagabi.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang 13 na sachet ng pinaghihinalaang shabu, isang caliber .38 na baril at dalawang bala, at drug paraphernalia.

Dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon para sa pagsasampa ng mga kaso na paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

-- ADVERTISEMENT --