TUGUEGARAO CITY-Umaapela ng tulong ang isang Overseas Filipino Workers (OFW) dahil sa ginagawang pagmamaltrato ng kanyang employer sa Riyadh, Saudi Arabia.

Batay sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo sa pamilya ng OFW na si Chairmaine Grace Shyra,24-anyos ng Simanu Norte, San Pablo, Isabela, may mga pasa umano sa katawan ang OFW na bakas na siya’y sinasaktan.

Dumadaan din umano ng hubad-hubad ang lalaki nitong amo sa kanyang harapan habang sinesenyasan naman ng babae na siya’y papatayin.

Bukod dito, hindi narin pinapasahod ang OFW kung kaya’t nananawagan ito ng agarang tulong para sa kanyang mabilisang pag-uwi.

Nabatid na anim na buwan palang nagtatrabaho sa Saudi Arabia si Chairmaine.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang pamilya ng OFW sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para mabigyan ng agarang tulong ang OFW.