Nagbabala si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na mas matitindi pang pag-atake ang ilulunsad ng Israel laban sa Iran sa mga susunod na araw.

Ito ay kasunod ng malawakang opensiba nitong Biyernes kung saan tinarget ng Israeli forces ang mga nuclear site, military bases, at ilang mataas na opisyal ng Iran.

Ayon kay Netanyahu, “We will hit every site and every target of the Ayatollahs’ regime, and what they have felt so far is nothing compared with what they will be handed in the coming days.”

Tinuturing ng Israel na matagumpay ang naunang opensiba matapos umano nitong mapabagal ang nuclear ambitions ng Iran nang ilang taon.

Ngunit hindi pa rito nagtatapos ang plano ng kanilang militar. Giit ni Netanyahu, hindi nila papayagan ang Iran na magkaroon ng kakayahang nuklear, at magiging mas agresibo pa ang kanilang mga aksyon.

-- ADVERTISEMENT --

Habang nananawagan ang ilang bansa ng pagpapakalma ng tensyon, ipinahayag ng Israel na determinado silang tapusin ang banta ng Iran—anumang kapalit nito.