Nagpatupad na rin ng travel ban ang Japan sa lahat ng bansa matapos maitala ang unang kaso ng Omicron variant ng COVID-19.

Ayon kay Myles Beltran, Bombo International News Correspondent to Japan, Nobyembre 28 ng magpositibo sa Omicron variant ang 30 anyos na lalaki na galing sa bansang Namibia.

Kasama aniya ng kanyang pamilya ay isinailalim sila sa RT-PCR test at lumabas na positibo ito sa virus.

Sa kasalukuyan aniya ay naka-isolate sa isang medical facility sa japan ang naturang pasyente na asymptomatic ang kondisyon.

Lahat aniya ng flight ng mga pinoy na nais umuwi sa bansa ay kanselado na rin kaya’t maaaring hindi muna makakauwi ngayong pasko dahil sa travel restriction.

-- ADVERTISEMENT --